Ibaling natin ang Ating Puso sa Diyos ng Liwanag

Image

Lumaki si Yuan, 10-taong gulang, sa isang bahay-ampunan. Isang madaling-araw, nagising siya. Bagaman madilim pa, alam niyang hindi magtatagal at magbubukang-liwayway na. Hindi kalayuan mula sa bahay-ampunan may isang napakagandang lawa at biglang naramdaman niya ang kabig ng isang hangarin. Gusto niyang makita ang unti-unting pagsikat ng araw sa kalangitan mula rito. 

 

Ngunit mahigpit ang batas sa ampunan. Walang batang babangon bago ang kalembang ng batingaw. Higit sa lahat, pinagbabawal ang lumisan ng bahay nang walang pahintulot. Subalit nagbakasakali siya. Nagmadali siyang nagbihis at lumabas na hawak-hawak ang kanyang sapatos. Ayaw niyang ma-istorbo ang kanyang mga kasamang batang mahimbing na natutulog. Habang tinatahak niya ang mahabang pasilyo, tumitindi ang kanyang takot na mahuli. Tila bagang may nagmamasid sa bawat iskinita ng dormitoryo ng bahay ampunan na nagpapakita ng kanilang galit sa kanyang paglabag sa batas. Kalaunan, dumating siya sa lawa at naghintay sa bukang-liwayway. Totoo nga, unti-unting sumikat ang araw, at nagbago ang kulay ng langit. Pinanood niya ang paglalaro ng kulay sa lawa, ang pagsabog ng dilaw, kahel, pula hanggang sa kulay ng liwanag ng araw. Manghang-mangha siya sa kagandahan ng lawa.

 

Nang tumunog na ang batingaw, naalala niya ang oras. Hahanapin siya sa bahay-ampunan. At siguradong mapaparusahan siya. Bago niya nilisan ang lawa, sinabi nito sa kanyang sarili: “Maraming salamat. Babalik ako. Ayos lang kung mapaparusahan ako. Ngayon may bago akong alam: ang Diyos ng lawa ay mas maganda sa dios ng ampunan.” Tulad ni Yuan, namumuhay tayo sa ating mga sariling kulungan. Tulad ng bahay-ampunan, nasasanay tayong mamuhay sa ating maliit na mundo at hindi na tayo nagbabakasakaling danasin ang “Dios ng BukangLiwayway” at mangarap ng bagong buhay. Pagdasal natin sa araw na ito, na ibaling natin ang ating puso sa Dios ng Liwanag na mas higit pa sa iba’t ibang “dios” na kumikitil sa ating kalayaan at kasiyahan. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s