Ipunin Natin ang Biyaya ng Nakaraang Taon

 

Image

Tinatago mo ba ang mga Christmas o birthday cards na binigay ng iba’t ibang mahal mo sa buhay? Ako, oo. Inaamin kong sentimental akong tao: mahalaga sa akin ang mga ebidensya ng pagmamahal, maging card man ito, sulat o litrato. Sa aking upisina, meron akong tinatawag na inspirational wall kung saan nakalagay ang iba’t ibang litratong may kahulugan sa aking buhay.

 

Sa pagharap sa bagong taon, kailangan natin ipunin ang mga biyayang natanggap natin sa Panginoon, galing man ito sa mga masasayang karanasan o mga aral sa mga masasaklap na pinagdaanan. At mahalagang hindi lang ito sa ating mga “isip” lamang. Kailangan nating mga tao na may nakikita at nahahawakan.

 

Kaya maaari nating ilagay ito sa mesa katabi ng ating higaan, bilang inspirasyon sa simula at katapusan ng araw, o kaya’y litrato sa ating mga wallet upang lagi natin silang kapiling saan man tayo  pumunta. Marami tayong haharaping pagsubok sa bagong taon. Hindi lahat ng oras laging masaya. Nguni’t kahit anong bagyo at sakripisyo ang ating dinadala kapag alam natin kung para kanino, hindi kailanman tayo matutumba. Pagdasal natin araw-araw ang mahal natin sa buhay, dahil alam natin, kung hindi man natin sila pisikal na kapiling, ang Dios ang laging nariyan para sa ating lahat.

4 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s