Ginawa Tayo Upang Maging Parte ng Ibang Buhay

Gaano ka ba kadalas malungkot? Nararamdaman ang lungkot hindi lamang sa pag-iisa, kundi sa gitna ng maraming tao, sa isang party, o kaya’y pagkatapos manood ng sine. Minsan saglit ang lungkot kapag biglang naalala mo ang iyong kabiyak at hindi mo siya kapiling. Bakit nga ba hindi napapawi ang kalungkutan?

Nangagaling ang kalungkutan sa isang uhaw na nasa pinakarurok ng ating puso. Natural sa atin ang hanapin ang kukumpleto sa ating buhay – at madalas ito’y isang tao din. Makikita ito sa salitang pag-ibig o pagkaka-ibigan: Hindi magiging pag-ibig kapag walang umiibig, at walang iniibig. Ginawa tayo ng Diyos upang maging parte ng buhay ng iba, to whom we can belong to. At hindi tayo kumpleto kapag hindi tayo bahagi ng ibang buhay.

Ito ang nararamdaman natin kapag hinahatid natin ang isang kapamilya sa airport, o nagpapaalam tayo sa isang kaibigan. Ito rin ang nararamdaman kapag hindi tayo makatulog kasi meron tayong nami-miss sa buhay. The person we love the most is the person we miss the most – and always. Itong pagka-uhaw na ito, itong kalungkutan ay isang biyayang bigay ng Diyos upang hindi natin makalimutan ang mga taong nasa puso natin. Ipagdasal natin sila ngayong araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s