Paano Mo Mamahalin ang Taong Ibang Iba sa Iyo?

May nagtanong sa DZMM, sa programmang “Usapang Kapatid” kasama si Fr. Nono Alfonso SJ, Sr. Bubbles Bandojo RC, at Bian Orenciana: “Paano mo mamahalin ang isang taong ibang-iba sa iyo?” Tila bang nawawalan na siya ng pag-asa sa isang mahal sa buhay, iba nga lang ang personalidad. Heto po para sa iyo, at para sa ibang ganito din ang pinagdadaanan.

Nawawalan ka na ba ng pag-asa sa pagmamahal sa isang tao? Isang kaibigan ang nagsabi, “Ang hirap magmahal. Maraming sagabal.” Totoong maraming balakid sa tunay na pagmamahal. Kakabit nito ang iba’t ibang personal na issues natin sa buhay: mga sugat na hindi pa humihilom, mga nakaraang pilit na kinakalimutan, mga bagay na pinag-aawayan, o pag-uugaling hindi magkatugma sa inyong dalawa.

 

Ngunit sa gitna ng maraming sagabal at hirap sa ating mga ugnayan sa buhay, hindi pa rin napapawi ang hangaring magkaroon ng kasama habang-buhay. Sa kabila ng maraming takot, marami pa rin ang naniniwala sa pag-ibig. Hindi ba tayo nagtataka kung bakit gamit-na-gamit natin ang social networks tulad ng Facebook o Twitter? Gusto natin laging updated sa ating mga kaibigan.

 

The hunger for intimacy and love will always be stronger and greater than the fear of the consequence of loving another. Dito naka-ugat ang pag-asa. Ang pagka-uhaw sa pag-ibig ay hindi mapapawi. At dahil matindi ang pangangailangan sa isang tunay na ugnayan, mas maraming tao ang maglalaan ng panahon at pawis upang matupad ito. Kapag nahihirapan ka sa pagmamahal, isang solusyon lamang: isang mas matinding pagmamahal. Mahalin nang mahalin hangang ang puso sa iyo maibaling. Pagdasal natin na hindi maglalaho kailanman, ang pag-asa sa isang matibay at malalim na ugnayan.

3 Comments

  1. I am at this stage Father. Sometimes it gets so hard to love. I am praying endlessly to God to give me the strength to love.

    Like

    Reply

    1. And Aileen, it is indeed hard. I know what you mean – or approximate what you mean (of course, we can’t fully understand each other’s feelings).

      And yes, too, praying and persevering can sometimes get too taxing. Will pray with you too. Do take care.

      Like

      Reply

  2. Hi father. How do you help someone who is drifting away from believing in God and the power of prayers? A friend is being very logical about life and is having confusions about the purpose of faith. Thank you.

    Like

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s