Walang Namamatay sa Dilim

“We do not die from the darkness; we die from the cold.” – Miguel de Unamuno

Takot ka ba sa dilim? Bakit ka natatakot? Sinasagisag ng dilim ang maraming bagay. Maaaring nakaraan: mga karanasang ayaw na nating balikan o gunitain. Maaari din itong panghinaharap: hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin. Kaya laging pinapangunahan tayo ng ating mga takot. Takot na masaktan muli. Takot na magkamali sa pagdedesisyon.

Ibig sabihin, sa kasuluk-sulukan ng ating puso, ayaw nating maranasan ang iba’t ibang uri ng kamatayan. Ngunit walang namamatay sa pakikipagsapalaran sa buhay. Lalung tumitibay, lumalakas o gumagaling ang nakikibaka sa buhay. Wika ni Miguel de Unamuno, isang pilosopo, hindi daw tayo namamatay sa dilim; namamatay tayo sa lamig. Totoong mas maraming namamatay sa lamig – ang lamig ng walang pag-ibig. Maraming walang kulay at saysay ang buhay dahil hindi nila nararamdaman na may nagmamahal sa kanila.

Maraming mabibigla kapag sinabi ko na ang impyerno ay puspos ng lamig. Sabi ni Dante Alighieri na sumulat ng Divine Comedy, ang impyerno daw ay yelo. Ang mga nasa impyerno daw ay malamig: walang apoy ng pag-ibig. Hindi ba’t ang tawag natin sa ating kaibigan at kapamilya mga taong “warm” – at ang taong kaaway natin ay malamig? At hindi ba ang puso ni Hesus ay umaapoy, at ang Espiritu Santo ay lumiliyab? Pagdasal natin na mapuspos ng apoy ang ating mga buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s