Pahalagahan ang Maliliit na Ritwal sa Bahay

Anong mga kinauugalian sa inyong bahay ang nakatutulong sa pagkakalapit ng bawat miyembro ng pamilya? Sa aking pamilya naaalala kong itinuro ng aking mga magulang ang paghalik sa kanila o sa kanilang kamay tuwing aalis at darating.

Para sa akin, hindi lamang ito isang pagpapakita ng paggalang kundi ito ay isang pagbabasbas; isang pagpapahiwatig na ang Diyos ay laging kasama sa anumang uri ng gawain sa buong araw. Sa mga bansa ng Espana at Latin Amerika, inilalagay ng nakatatanda ang krus sa noo ng kanilang mga anak.

Isinulat ng Church Historian na si Martin Marty sa magazine na Context ang isang pag-aaral ukol sa mga ritwal na nakatulong sa mga mag-asawa’t anak na lalung maging malapit sa isa’t isa. Ang mga mag-asawang humahalik sa isa’t isa sa pag-alis at pagdating ang mas naging matalik na pamilya. Ipagdasal nating pahalagahan ang mga maliit na ritwal na nakatutulong sa kalidad ng pagsasama ng mga miyembro ng isang pamilya.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: