Mabuting Magbakasyon sa Ating Sariling Bayan

*Ito po ang dinaanan ng baha galing Mayon Volcano. Matatagpuan ito sa Barrio Quirangay, ilang minutong lakad lamang galing Camalig, Albay. Taga-Camalig po ako.

Kumusta po ang iyong pagbabakasyon? Marahil marami sa inyo ang nakauwi sa inyong mga sariling bayan. May kuwento ako. Bored na bored na sa kanyang buhay si Mang Pedring. Para sa kanya, nakawawalang-gana ang paulit-ulit na ginagawa niya sa buhay. Isang araw, may bumisita sa kanyang lalawigan. Ikinuwento nito ang isang Siyudad ng Kaligayahan.

Nilisan niya ang kanyang bahay upang pumunta sa Siyudad ng Kaligayahan. Sa kanyang paglalakbay, nakarating siya sa isang kagubatan at nagdesisyon siyang mamahinga. Upang hindi mawala, ginawa niyang palatandaan ang kanyang sapatos. Kung saan ito nakaharap doon niya ipagpapatuloy ang kanyang paglalakbay.

Napadaan ang isang pilyong lalaki, at binaliktad nya ang sapatos ni Mang Pedring. Nang malapit na siyang makarating, nagulat siyang ang Siyudad ng Kaligayahan ay tulad ng kanyang pinanggalingan. Mga kapamilya, walang kasingtulad ang bumalik sa ating pinanggalingan lalung-lalo na kung matagal na tayong hindi nakauwi. Ipagdasal natin ang mas malalim na pagpapahalaga sa ating mga sariling bayan.

4 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s