Pahalagahan Nawa Natin ang Ritwal ng Ating Sariling Bayan

Isang buwan ng pagdiriwang ng panibagong buhay ang buwan ng Mayo. Ito ang buwan ng mga bulaklak at panahon ng ani. Dito din nakakasama-sama ang mga magkababayan lalo na sa Bohol kung saang may piyesta sa bawat lalawigan. At sa ibang dako naman, ito rin ang panahon ng pamamasyal at pagpapahinga bago sumalpak muli ang simula ng pasukan.

 

Mainam na pinapahalagahan natin ang pamamahinga, pagdiriwang at pagsasalo-salo. Sa mga ritwal na ito, binibigyan natin ng puwang ang ligayang dulot ng pagiging miyembro ng ating sari-sariling bayan at kultura. Tulad ko na taga-Camalig, Albay, talagang uuwi sa Camalig. Ang taga-Ilocos, uuwi doon. Ang taga-Mindanao, babalik sa lupang tinubuan. At doon muling pahahalagahan ang ating pinanggalingan. Wika ni Jose Rizal, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.”

 

At dahil dito, kailangan matuto tayong panandaliang ipaubaya sa Diyos ang mga nakakabagabag sa atin upang “lumingon” sa sariling bayan. Pagdasal natin na pagkalooban tayo ng puso at kaluluwang bukas para sa Diyos. Tulungan tayong makita ang mga maaaring hadlang sa pagdiriwang ng ating pinagmulan.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: