Bakit Mahalaga Magpasalamat?

 

Sa panahon ng paghihirap, napakahalaga ng pagpapasalamat dahil tinutulungan tayo nitong huwag mahulog sa kawalan ng pag-asa. Sa mga panahong nasusubok tayo, hindi ba’t meron pa rin tayong trabaho at mga ka-trabaho; kaibigan at ka-ibigan?

Para sa karamihan, higit na may dahilan upang magpasalamat dahil meron tayong relasyon sa Diyos. Ito ang nagsisilbing gabay sa kadiliman. Ayon kay San Ignacio ng Loyola, napakahalaga na namnamin natin at simutin ang mga pagkakataong makapagpapasalamat sa Diyos. Pasasalamat sa Kanyang kabutihan sa atin.

Ang Salmo 139, kung saan hango ang kantang, “Yahweh, You are Near” inaawit ng sumusulat ang grasya ng pasasalamat sa Diyos. Pinagdiriwang nito ang Kanyang kadakilaan. Mga kapamilya, anong mga bagay sa buhay mo ngayon ang lubos kang nagpapasalamat? Pagdasal natin na gawing kaugalian ito.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: