Bawal ang Sumimangot

Naiinis ka ba sa mga taong laging nakasimangot? Ako, oo, nasisira nila ang araw ko. Minsan naiisip ko, “Naku Lord, kung yan din lang ang gigisingin mo sa umaga, huwag mo na lang gisingin.” Ngunit, sa kasawimpalad, ginigising pa rin sila ng Dios. Hay naku, ang masama pa niyan, nakakahawa ang nakasimangot.

Kapag may negatron sa opisina, para siyang sipon na di mo namamalayan nahawa ka na: nagiging nega ka na rin. Sayang na sayang, nakakaligtaan natin ang kagandahan ng ating pagkatao. Totoo, we are a broken people, but we are also blessed. At mas nabiyayaan kaysa na-utangan!

Mga kapamilya, maniwala man tayo sa hindi, kahit ano pa mang kasamaan ng ating pag-uugali, pinili pa rin ng Dios na mahalin tayo kahit hindi tayo karapat-dapat. Magdasal po tayo: naway makita natin ang bawat paggising sa umaga bilang isang panibagong pagkakataong ngumiti at ramdamin ang pagmamahal ng iba sa atin. Sa gayon, makapagbigay ng sigla sa lahat. Kaya, hoy, di ka ginising ng Dios para sumimangot!

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s