Walang Maibibigay, Kung Walang Natanggap Mula sa Dios

Merong isang panalangin si San Ignacio de Loyola. Ito ang “Panalangin sa Pagiging BukasPalad.” Marahil alam ninyo ang kantang nagsisimula sa ganito: Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad, turuan mo akong maglingkod sa iyo…” Ano nga ba ang pagiging generous o bukas-palad? 

Marahil nauunawaan natin ang generosity bilang isang pagbibigay. Ang taong may donasyon sa eskuwelahan o simbahan, ay bukas-palad. Ang taong nagbabanat ng buto para may maihahain sa mesa ay bukas-palad. Oo totoo, pero may isang angulo ang pagiging mapagbigay. Sinasabi, nakakapagbigay lamang tayo ng mga bagay na MERON tayo. Ibig sabihin, may nagbigay muna sa atin ng talento, abilidad o kakayahan, kaya MERON tayong naibabahagi.

 Kaya ang pagiging bukas-palad ay ukol sa taus-pusong pagtanggap sa mga biyaya ng Dios sa atin. At bilang pagkilala sa ibinigay ng Dios, gayon din ang pagtanggap na ito rin ang maaari nating ipamahagi. Ang Dios na nag-alay sa Kanyang sarili, Siya rin ang nagbibigay ng lahat ng biyayang kailangan natin upang makapagbigay naman tayo sa mga nangangailangan.

Magpasalamat po tayo sa Dios na unang nagbigay sa atin!

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: