Kailangang Lawakan ang Ating Pananaw sa Buhay

Malayo at malawak ba ang iyong pananaw sa buhay? Nakikita mo ba, hindi lamang ang gagawin mo bukas, kundi ang direksyon na iyong pupuntahan, o ang mga bagay na kailangan bago pa man makita ng iba?

Sa pelikulang, Titanic ni James Cameron, malinaw ang sanhi ng pagkamatay ng higit na isang libong tao. Hindi nila nakita sa malayo ang isang malaking yelo na naging sanhi ng paglubog. Hindi nakita ng mga tagapangasiwa ang malaking iceberg upang maiwasan ito o kaya’y maniobrahin ang malaking barko para hindi nila ito mabangga.

Bagaman mahalaga na alam mo kung anong gagawin mo sa darating na mga araw, mas mainam na nakikita mo rin ang mas malawak mong layunin sa buhay. Sa gayon, mapagpaplanuhan at mabibigyan ng direksyon at kahulugan ang anumang ginagawa natin.

Ipagdasal natin na liwanagan at gabayan tayo ng Panginoon upang makita natin ang ating direksyon at maging ligtas ang ating paglalakbay sa buhay.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: