Biktima ka ba ng tsismis? O ikaw ang tsismoso? May kuwento ako ukol kay Socrates, isang pilosopong kilala sa kanyang karunungan. Isang araw, nilapitan siya ng isang kakilala. Sabi nito, “may ikukuwento ako ukol sa iyong kaibigan?” Sabi ni Socrates, “Bago mo ikuwento, kailangang makapasa ito sa tatlong pagsubok?”
“Una, katotohanan.” sabi ni Socrates, “Sigurado ka bang totoo ang sasabihin mo?” “Narinig ko lamang sa iba,” tugon ng kausap. “Pangalawa, kabutihan,” dugtong ni Socrates, “Mabuti ba itong balita?” “Hindi po. Sa katunayan, nakakabagabag ito,” tugon ng kakilala. “Kung hindi ka siguradong totoo ito at hindi ito mabuti, may isa pang pagsubok,” wika ni Socrates. “Ito ang pagsubok ng halaga.”
“Mahalaga ba itong sasabihin mo sa akin?” tanong ng pilosopo. “Hindi po,” tugon na kakilala. “O, kung hindi ito totoo, mabuti at mahalaga, bakit mo sasabihin sa akin?” tanong ni Socrates. Mga kapamilya, kung nais nating masala kung ang kinukuwento natin ay isang tsismis, mabuting gamitin natin ang tatlong tanong ni Socrates. Pagdasal nating bigyang puwang lamang ang mga bagay na importante kay Socrates, na sumasang-ayon din ang Panginoong Hesus: ang katotohanan, kabutihan at halaga