Kasangga ni Kristo

P1120162

 

Dahil sa kabila ng ating pagiging makasalanan, tinatawag parin tayo ni Kristo maging kasama o kasangga niya. Paano? Meron akong kuwento: Nagreklamo ang baboy sa baka, sabi ng baboy: “Bakit ba napakasikat mo samantalang gatas lang naman ang iyong ibinibigay? Hindi ito makatarungan. Ako nga, lahat ibinibigay ko! Lahat ng lechon, humba, porkchop, atbp binigay ko na!

 

Ano ang pagkukulang ko? Sagot ng baka, “Siguro dahil ako ay nakapagbibigay habang ako’y buhay.” Ang pagsasabuhay sa ebanghelyo ay nangangahulugan ng pagbibigay ng sarili sa abot ng ating makakaya habang tayo ay nabubuhay, gaya ng baka. Ngunit para saan ang pagbibigay, pakikibaka at pagpapagal?  Para sa gayon, ang mga walang pananampalataya ay maniwala; ang mga walang pag-ibig ay umibig at ibigin; at ang mga nasa dilim ay magkaroon ng pag-asa.

 

Kaya natin sinasabi, “Magsisisi at manampalataya sa Mabuting Balita.” Tugma ito sa kahulugan nang kung sino tayo: Lahat tayo ay makasalann. Kaya kailangan nating magsisi at humingi ng kapatawaran. Para saan? Dahil lahat tayo ay tinatawag na maging kasama o kasangga ni Kristo. Ito ang pagdadasal natin sa Panahon ng Kuwaresma.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s