Ang Simpleng Pamumuhay

422230_350151935007563_1249810286_n

Nakakalat sa buong mundo ngayon ang larawan ng ating bagong Santo Papa. Pinaguusapan din ang kaniyang mga ginagawang kakaiba sa ating pagkilala sa mga nakaraang lider ng isang bilyong Katoliko. Pinagpapasahan sa social media ang mga kuwento ng kanyang pagiging simple: ang pagsakay sa bus upang makasama ang madla, ang hindi paninirahan sa Palasyo ng Obispo sa Buenos Aires, at higit sa lahat ang kuwento ng mga mahihirap ukol sa kanyang paglilingkod noong siya’y nasa Argentina.

Kuwento ni Cardinal Tagle: Nang malinaw na si Cardinal Bergoglio ang nahalal, binulungan siya ng kanyang katabi, ang Cardinal ng Brazil na huwag kalimutan ang mga dukha. At dahil dito, paulit-ulit na naglalaro sa kanyang puso ang pangalang, Francesco, ang pangalan ni St. Francis of Assisi, ang bumuo ng mga Franciscano, at ang inspirasyon ni San Ignacio de Loyola noong nagsisimula pa lamang ang kanyang pagbabalik-loob sa Diyos.

At dahil sa kanya, maraming mga taga-Latin America ang nagsasabing si Papa Francesco ang nagsisilbing pag-asa nila sa kanilang kalagayan doon. Ngunit hindi lamang sa parte ng Latin America kundi sa buong mundo. Inaanyayahan tayong tularan ang simpleng pamumuhay ng ating Santo Papa, bilang pagtugon sa kahirapan. Pagdasal nating higit na tularan ang pagmamahal ng Diyos sa mga dukha na siyang isinasabuhay ng ating mga banal sa pananampalataya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s