Ano ang Pakay ng Buhay Ko?

408911_350149188341171_1382728561_n(1)

 

Sa panahon ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, mahalagang halungkatin natin ang ating mga puso upang mapalago natin ang anomang aspetong nangangailang ng pandilig. Sa araw na ito, titingnan natin ang gasolina ng ating mga buhay.

Ano-ano nga ba ang kabuluhan ng mga ginagawa ko? May mga bagay na nagtutulak sa akin para gawin ang mga ito. Alam ba natin kung para saan kaya ang mga ito? O para saan nga kaya AKO. Oo, tama ang narinig ninyo: Para saan ba AKO, ang aking sarili. IKAW, para saan ka nga ba? Sabi ni Cardinal Tagle, ang pinakamalaking kabiguan na maaaring maganap sa isang tao ay ang pagkakataong hindi niya malaman kung bakit siya nabuhay. Ano nga ba ang pakay ng iyong buhay?

Wika ni San Ignacio de Loyola, “Nilikha tayo upang purihin, galangin, at paglingkuran ang Panginoon; sa pamamagitan nito, matatagpuan natin ang kaganapan ng ating sarili.” Ibig sabihin, ang kabuluhan ng buhay ay hindi matatagpuan sa pag-asenso, pagiging popular o makapangyarihan; kundi matatagpuan lamang ito kung ang buong buhay ay nagpupuri, gumagalang sa Panginoon at nauuwi ito sa paglilingkod ng tunay. Pagdasal nating laging malinaw itong pakay nating lahat.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s