
Nahahalata ba natin na sumasarap ang usapan kapag nagtsitsismisan? At lalung nagiging mainit ang kuwentuhan kapag ang pulutan ay kilala natin? Sa isang misa binanggit ni Pope Francis ang ukol sa tsismisan; kagaya daw ito ng halik ni Hudas. Nauuwi ang tsismisan sa siraan at pagkawatak-watak.
At dahil ito ang epekto ng tsismisan, malinaw na galing ito sa demonyo. Sa kasawing palad, nagiging kultura na ang tsismisan. Nakakalimutan natin na ang epekto ng Espiritu Santo ay pagkakaisa o pagkakabuo ng isang komunidad na nagmamahalan. Ang gamot sa tsismisan, wika ng Santo Papa, ay pagmamalasakit. Kung may malasakit, lalapitan lamang natin ang taong may kapangyarihang tulungan ang tao, hindi ang “buong bayang” walang magagawa para sa kanya.
May kuwento ako. Isang araw, nakita ng sundalo ni Alexander the Great ang dala-dalang mga sako ng isang kabayo. Kitang-kita na nahihirapan ang kabayo, kaya, kinuha ng sundalo ang isa sa mga sako nito. Natuwa si Alexander sa malasakit ng kanyang sundalo, kaya nilapitan niya ito at ang sabi, “Ginto ang laman ng sakong dinadala mo. Binibigay ko iyan sa iyo.” Mga kapamilya, pagdasal natin na palaguin natin ang pusong may malasakit sa isa’t isa; ang kultura ng pag-ibig ay higit pa sa isang sakong ginto.
WOW! ang ganda ng likha na ito FR.JBOY! tamang-tama ang mahilig sa tsismisan 🙂
LikeLike
Salamat salamat RedZ. Ingat ka.
LikeLike
Salamat po sa pagbabasa! God bless po!
LikeLike