Pagninilay Para sa Eleksyon

2013-01-06 11.18.25

 

Mahalagang handa tayo sa darating na eleksyon. Nakakatulong kung sa mismong araw, mayroon na tayong listahan ng mga pangalan ng mga napupusuan nating mga kandidato. Kaya bago dumating ang araw ng eleksiyon, kailangan nating maiging pagnilayan ito. Paano ba natin ito gagawin?

Tanungin muna natin ang ating sarili kung ano ang bumabagabag sa atin. Marahil ang isyu natin sa buhay ay maaaring isyu rin ng ating bansa. Ikaw ba ay kinakapos? Totoong suliranin ng ating lipunan ang kahirapan. Sa SWS survey 2012, 47% ng mga Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap; 21% ng mga pamilyang Pinoy ang nakakaranas ng pagkagutom; 29.4% ang walang trabaho. Sa pamahalaang lokal, problema natin ang serbisyong panlipunan, krimen at imprastruktura.

Humihina na rin ang ating kapaligiran: nasisira na ang ating kagubatan dahil sa illegal na pagpuputol ng kahoy at pagpapalit ngayon ng pook-komersiyal sa dating lupang pang-agrikultural. Sira na rin ang ating yamang dagat. At lagi tayong dinadalaw ng mga kalamidad at sakuna. Kung ito ang nakakabagabag sa atin, sino ang mga kandidatong nakatutok sa tunay na reporma sa ating bansa? Manalangin tayo sa Diyos na nawa’y pag-isipan natin masinsinan ang ihahalal natin sa panahon ng eleksyon.

 

One Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s