Inapi Ka Na Ba? (Have you been bullied?)

Ikaw ba ay biktima ng pang-aapi o bullying? Naranasan mo na bang tuksuhin, alipustahin at uyamin nang matagal? Sinipa, sinuntok, at tinulak ka na ba ng ibang taong mas malaki at malakas kaysa sa iyo? O kaya, ikaw ba ay ininsulto at pinagbintangan ng masama sa salita o sa internet? Kapag naranasan o nararanasan mo ang mga ito nang paulit-ulit at matagal nang panahon, ikaw ay biktima ng bullying.

Ayon kay Dan Olweus, iba’t ibang paraan ang pang-aapi. Maaaring sa salita tulad ng paninirang-puri o pangangantyaw; pisikal: tulad ng panununtok o pagtutulak; o social exclusion or isolation tulad ng pananakwil. Paraan din ng pang-aapi ang pagsira o pagkuha ng gamit; pananakot o pagpwersang gawin ang ayaw mong gawin; o kaya pagmamaliit dahil sa iyong kulay, sekswalidad at hitsura; at sa kasalukuyan, ang tinatawag na cyber-bullying sa internet.

Photo: Fr. Jboy Gonzales SJ. Children from Montalban, Rizal. Not victims of bullies.
Photo: Fr. Jboy Gonzales SJ. Children from Montalban, Rizal. Not victims of bullies.

Upang malaman kung ikaw o ibang tao ay biktima ng bullying, gamitin lamang itong tatlong tanong: Naranasan mo ba ang alin man sa nabanggit? Gaano ba kadalas itong mangyari? At higit sa lahat, ano ang ginawa mo bilang tugon? Mga kapamilya, laging aalalahanin na ang pangbubully o pang-aapi ay hindi ayon sa ating pagkatao at higit sa lahat, hindi maka-Diyos. Ipagdasal natin na magkaroon ng lakas-loob na supilin ang pang-aapi sa ating lipunan upang mapanatili natin ang kapayapaan sa ating buhay.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

One thought on “Inapi Ka Na Ba? (Have you been bullied?)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: