Anong Gagawin Mo Kapag Inapi Ka sa Internet

Photo: Fr. Jboy Gonzales SJ. Children from Montalban, Rizal. Disclaimer: Not victims of cyberbullying.

Photo: Fr. Jboy Gonzales SJ. Children from Montalban, Rizal. Disclaimer: Not victims of cyberbullying.

Paguusapan natin ngayon ang cyberbullying. Isa ito sa mga isyung napaguusapan sa ating kongreso dahil inaalala natin ang kapakanan ng lahat na gumagamit ng internet, lalung lalo na ang mga kabataang nasa “digital age.” Kung tinuturo natin ang mabuting asal, kasama na rin dito, ang asal nila sa virtual world, ang mundo nila sa internet. Simple lamang ang ating prinsipiyo: kahit ano man ang gawin nila, kahit saan man sila, kailangang respetuhin ang karapatan at kapakanan ng iba sa lahat ng panahon.

Ano ang cyberbullying? Ito ang pang-aapi gamit ang ano mang electronic device, tulad ng email, instant messaging, text, blogs, websites, tweets, status messages, video chats. Maaari itong makita kapag may nagpadala sa iyo ng mapang-insulto na email, status o tweet na gamit ang computer, cellphone o tablet. Cyberbullying din ang pagkalat ng mapanirang mga salita, pagnakaw ng password or pagbabanta sa ibang tao gamit ang ibang pangalan o identity. O paggawa ng website na tumitira lamang sa iisang tao. Marami sa mga ito ang mga tinatawag na trolls o mga taong walang magawa kundi masamain ang kapwa.

Ano ang maaari nating gawin kapag tayo ang biktima ng cyberbullying? Huwag patulan ang kanilang ginagawa. Huwag magsend ng masakit din na email, o kutyain ang mga nang-aapi sa inyo. Laging alalahanin na ang gusto nila ay ang iyong attention. Sabi ng isang twitfriend ko, “Don’t feed the trolls, father!” Naranasan ko na ring murahin sa twitter. Dahil kung kukutyain mo sila sa internet, makikita ng ibang tao na wala kang pinag-iba sa mga mang-aaping iyon. Sa kabilang banda, ipakita mo pa rin ang iyong pagiging mabuting tao. Kaya, i-unfriend mo o i-block mo na lang. Higit sa lahat, kung kilala mo, lalung-lalo na sa eskuwelahan, isumbong mo sa nanunungkulan. Mga kapamilya, manalangin po tayong gawin ang utos ng Diyos na mahalin ang ating mga kaaway. Magandang umaga po.

2 Comments

  1. I will just ignore. First of all, a cyber-bully is a coward. For all you know, he/she will not even use his/her real name to begin with. Dun pa lang, wala na siyang credibility.

    Like

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s