Panawagan Para sa Kapayapaan

Prayer

 

Sa kabila ng ating mga personal at pambansang isyu, niyayanig ng digmaang sibil ng Syria ang buong mundo. Kasangkot na rin dito ang mga bansa ng US, Russia, China, Israel atpb. At tulad ng mga tumatagal na alitan, maaari itong maging digmaang pandaigdig. Higit kumulang mga 100,000 na ang namatay sa maliit na bansang Syria.

Mas karumaldumal ang paraang ginamit sa pagpatay ng maraming inosenteng sibilyan sa Syria. Ginamit kamakailan lang ang sandatang kemikal. Pagkatapos ng World War I, pinagbawal ng pagtitipon ng mga bansa sa Geneva ang paggamit ng toxic na kemikal tulad ng chlorine gas bilang sandata. Noong Agosto biente-uno, ginamit ng Syria ang sarin o nerve gas. Ang paraang kemikal ay walang pinipiling biktima. Hindi makatao ang digmaan, lalung higit na hindi makatao ang paraang kemikal.

Nanawagan si Pope Francis sa lahat ng tao – hindi lamang sa mga Katoliko – upang magpakita ng hindi pagsang-ayon sa digmaang Syria. Noong ika-pito ng Setyembre, nanawagan siyang mag-ayuno at magdasal para sa kapayapaang pandaigdig. Wika niya, ang solusyon sa anumang alitan ay pakikipag-usap o dialogue. May puwang sa pananampalataya natin ang Syria dahil sa Damascus sa buhay ni San Pablo. Dahil dito, isama natin sa araw-araw na pagdarasal ang Syria at ang iba pang may digmaan sa daigdig.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s