Ano ba ang tamang pagdarasal, yaong spontaneous o ang pagdarasal na paulit-ulit na kinagawian hindi lamang ng mga Katoliko kundi ng mga Muslim at Buddhist? Sa araw na ito ginugunita natin ang pagrorosaryo, ang paguulit ng Aba Ginoong Maria, na nakikita sa Ebanghelio ni San Lukas, Ama Namin na turo ni Hesus, ang Luwalhati at ang Credo bilang pag-aalala ng pananampalatayang Katoliko na naka-ikot sa Diyos na Santatlo.
Ang daloy ng pagrorosaryo ay ang daloy ng buhay ni Hesus. Inaanyayahan ng nagdarasal na pagnilayan ang bawal yugto ng buhay ni Kristo, upang sa paulit-ulit, maisasabuhay din natin ang kanyang buhay. Kung may magtatanong kung kilala mo ba si Hesus, ang sagot ay oo; patunay, sabihin mo sa kanya ang mga misteryo ng rosaryo, at iyon ang mga pinakamahalaga sa Kanyang buhay.
Ginagamit natin ang mga beads, tulad ng mga Buddhist, upang mas lumalim ang ating pagdarasal. Repetition trains the brain to focus. Kung titingnan natin, ang lalim o depth natatagpuan ito sa paulit-ulit. Ang pag-aaral ay paulit-ulit hanggang matuto ang nag-aaral. Sa pagrorosaryo, nasasaulo natin ang mga mahahalaga sa pananampalataya, upang isang hakbang na lamang ang kailangan: ang pagsasabuhay. Mahirap isabuhay ang hindi mo alam o ang hindi mo kilala. We are what we repeat.