Tulungan ang Bohol

 

Marami sa atin ang nalungkot sa mga pangyayari sa Bohol, Cebu at Siquijor dahil sa 7.2 magnitude na lindol na sumira sa maraming lumang simbahan. Alam niyo po ba na karamihan sa mga gumuhong simbahan ay gawa po ng mga sinaunang mga Heswita? Ang sinaunang kapilya na naging malaking simbahan ng Baclayon ay itinayo ng mga Heswita sa taong 1596 at ang malaking istrukturang nakita natin ay natapos sa taong 1727. Itinayo ito gamit ang mga batong galing sa dagat at sinimento ng isang milyong itlog!

Ganon din ang nangyari sa mga Simbahan ng Loboc, Tubigon, Maribojoc, Dauis at iba pa. Sa tindi ng lindol, napawi ang mga simbahang naging parte ng ating kasaysayan. Ngunit nahalata niyo po ba na ang mga natumba ay pawang mga buildings lamang? Hindi naglaon, nagpost sa Instagram si Charrie Villa, ng mga litrato ng mga binyag at misang naganap sa gitna ng kanilang sira-sirang Simbahan.

Kahit ano mang unos ang dumaan sa ating buhay, hindi mapapawi ang pananampalataya. Kahit ano mang pagsubok, gabagyo man o kasing tindi ng lindol, lalung lalalim ang ating pananalig sa Diyos. Ipagdasal po natin ang isang kaloobang may pusong tumulong sa pagpapanday muli ng Bohol, Cebu at Siquijor.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s