Materyales para sa Kabilang-buhay

Isang araw namatay si Donya Auring. Pagdating niya sa langit, sinalubong siya ng isang anghel. Siya na daw ang magdadala sa kanyang tirahan sa langit. Tuwang-tuwa si Donya Auring. Sabi niya sa sarili na hindi na daw siya matatakot na pagnanakawan siya, di tulad nung nandoon pa siya sa lupa. Sa malaking bahay niya sa Pilipinas, itinago niya sa isang sulok ang kanyang kayamanan.

Pagkalipas ng isang segundo, dinala ng anghel si Donya Auring sa kanyang tirahan. Laking gulat na lang niya nang makita niyang napakaliit ng kanyang bahay. Mas maliit pa ito sa kanyang banyo sa Pilipinas. Sa di kalayuan, may nakita siyang napakalaking bahay. Tinanong niya ang anghel, “Kanino po ang bahay na iyan?” Sabi ng anghel, “Ah, kay Aling Trining po, yung dati ninyong katulong!”

“Bakit mas malaki ang bahay niya kaysa sa akin?” tanong ni Donya Auring. Sagot ng anghel, “Wala po kaming materyales dito sa langit. Depende po sa materyales na pinapadala niyo galing sa lupa!” Mga kapamilya, tingnan natin kung saan at kanino natin pinapadala ang mga “materyales” natin sa kabilang-buhay. Ipagdasal natin na sa Panginoon nating nasa langit pumupunta ang pinapadala natin sa ating buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s