Paano mo malalaman kung nega ka na?

Ikaw ba ay laging “yes” o laging “no?” May kuwento ako: Si Mr. NO ay dumaan sa isang panaderia, upang bumili ng tinapay. Tanong ng tindera, “Bibili ka ba ng pandesal?” Sagot ni Mr. NO, “NO, hindi.” “Mantikilya,” tanong ng tindera. “NO, Hindi.” “Sorry,” sabi ng tindera, “wala akong ibang tinitinda.” Kaya, umuwi si Mr. NO, na walang dala-dala, dahil nasanay siyang laging kontra sa lahat ng bagay.

Pag-uwi niya ng bahay, labis ang kanyang pagkagutom. Dahil walang may gustong tulungan siya, wala siyang mauutusang magluto. Lahat ng malas ay naranasan na niya sa araw na iyon. Isang araw, may kumatok sa kanyang pintuan. Padabog niyang binuksan ito, at isang matandang babae ang kanyang nakita. “Dito ba nakatira si Mr. NO? tanong siya. Sagot ni Mr NO? “Hindi.”

Ngunit hindi siya pinansin ng babae. Inilabas nito ang isang basket ng tinapay, mantikilya at longganisa. Inilabas din nito ang isang tasa para sa kape. At sila ay nag-almusal. Tanong ng babae, “Gusto mo bang bumalik ako?” Sagot ni Mr. NO, “Yes, opo.” Minsan kailangan lang nating baguhin ang sinasabi natin sa buhay para magbago ito. Tayo ay produkto ng mga “oo” ng iba, tulad ng ating mga magulang. Mahalaga ang “oo” sa pananampalataya, sa pagmamahal. Pagdasal nating “um-oo” sa bawat paanyaya ng Diyos na magpaka-tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s