Mahalaga pa ba ang pangalan na dinadala natin?

Masaya ang social media kapag UAAP ang pinag-uusapan. Sa laban ng Ateneo at La Salle, sa basketball man o sa volleyball, makikita kung sino ang nasa panig ng Azul o ng berde. Mag-UST man o UE, NU o UP, maraming mga komentaryo ukol sa kalabang paaralan ang magigisnan ng mga taga-Twitter o Facebook. Minsan nauuwi ito sa siraan.

Isa sa mga ito ang litrato ng isang babaeng naka-La Salle na jacket na nagpa-pikyur kay Kieffer Ravena na taga-Ateneo. Ngunit naka-kamao ang kanyang buong daliri maliban na lamang sa kanyang hinlalato o middle finger. Hindi siya taga-La Salle; at taga-ibang paaralan pala ang babaeng iyon. Ito ang masasabi ko. Sa panahon ni Alexander the Great, may isang sundalong laging umaatras sa anumang pakikipagbakbakan. Sa kasawimpalad, pareho ang kanilang pangalan. Ito ang ikinahiya ni Alexander.

Isang araw, kinausap ni Alexander the Great ang sundalong kanyang kapangalan. Sabi niya, “Dalawa ang puwede mong gawin: huwag kang nang sumali o palitan mo ang iyong pangalan.” Samakatuwid, nakikita ba sa iyong pag-uugali ang dangal ng pangalang dinadala mo? Naisasabuhay mo ba ang paaralang iyong pinanggalingan? Ipagdasal natin na nawa’y hindi natin pinapahiya ang pangalan ng ating sarili o ng ating kinabibilangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s