May isang patak ng hamog na nahulog sa dagat. Dinala siya ng maalat na tubig sa iba’t ibang panig ng dagat upang tuluyang makiisa sa kanila. Ngunit nakipagtigasan ang patak na hamog, hanggang niyaya siya ng isang talaba na doon na lamang siya manirahan sa loob nito.
Nang tumuloy siya sa loob ng talaba, isinara ng talaba ang kanyang balat. Napag-isipan ng patak ng tubig na hindi na siya makakalaya. Hindi na niya magagawang maging maningning kapag tumatama ang araw sa kanya. Kaya, kinausap niya ang isang maliit na bato na nasa loob din ng talaba. Ayon sa bato, mas mainam na tanggapin na lamang nito ang kanyang kalagayan at huwag na itong labanan. Kung gagawin niya ito, hindi na sa araw mangagaling ang kanyang liwanag, ngunit sa kanya mismong kalooban. At ganoon nga ang ginawa ng patak ng hamog.
Isang araw, may bumukas sa talaba at nakita ng patak ng hamog ang ngiti ng bata. Sabi ng bata, “Ito ang pinakamagandang perlas na nakita ko! Kahit hindi tumatama ang araw sa kanya, nagniningning pa rin ito sa ganda!” Mga kapamilya, ano ang kalagayan mo sa buhay na nangangailangan ng pagtanggap na lamang? Kung gayon, ipagdasal natin na yakapin ang panibagong buhay na nagsisimula sa isang pagtanggap at pagpapaubaya sa Diyos.
nice analogy, beautiful message.
LikeLike
Had a great time reading this. Great piece and powerful message.
Shine, shine shine!
LikeLike
Thanks Verns!
LikeLike
Good morning! Thanks Fr. JBoy for following my blog. We are friends po at FB.
LikeLike