Mag-Recycle ng Kagamitang-Pampaaralan

Kape't Pandasal

Pasukan na naman. Marahil marami sa inyong nagpaplanong pumunta sa mga pamilihan ng mga kagamitan-paaralan: notebooks, papel, pens, crayons, atpb. At sa mga estudyanteng nakikinig, sigurado akong excited na kayong makita ang inyong mga classmates na nagbakasyon sa ibang lugar. Bagong yugto na naman ito tungo sa papalapit na pagtupad sa inyong mga pangarap.

Ngunit mahirap din ang buhay ngayon. Kaya hindi lahat ng gagamitin natin sa paaralan kailangang bago. Kailangang matuto na rin tayong maging praktikal, at alam kong, tinuturo na rin sa ating mga paaralan ang halaga ng pagre-recycle. Noong panahon namin, ang hindi nagamit na likod ng bond paper sa isang project, ginagamit namin muli para sa isa pang project. Ang mahalaga hindi ang papel, kundi ang sinusulat natin sa papel.

Dahil dito, halungkatin muna natin ang dati nating mga gamit. Ang lumang libro, baka pwede pang magamit ng ibang estudyante. Ang lumang pad paper at notebook na may mga blanko pang mga pahina, baka pwedeng gawing isang subject notebook. Ang lumang bag, baka pwede pa itong gamitin. Sa kabilang banda, kung may bago ka, ibigay yung luma sa walang malagyan ng kanilang gamit.

Pagdasal natin na huwag madala sa porma, kundi sa laman ng ating mga ulo’t pag-uugali.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s