Paalala sa Independence Day

Kape't Pandasal

Tatlong araw lang ang nakalipas nang ipinagdiriwang natin ang ating “independence” o ang Araw ng Kasarinlan. Ngunit simulang ipinagkaloob sa atin ang kalayaan, bakit hindi pa rin tayo nagkakaisa? Para bagang, nasobrahan ang ating kalayaan, na nakaligtaan natin ang ating responsibilidad sa ating bayan.

Ang mga tungkulin natin sa bayan ay tila hindi kalayaan, dahil ito ay tinitingnan bilang obligasyon — isang bagay na pinipilit sa atin na tupdin. Kapag naririnig natin ang batas, laging negatibo ang reaksyon natin dito. Sino ba ang gustong mina-manmanan ang kanilang buhay. Lagi nating hinahangad na gawin ang ating gustong gawin. Ngunit malaya lamang tayong gawin ang nakakabuti sa atin. Hindi tayo malayang gawin ang nakasasama; kapag kinulong ka, hindi ka na malaya.

Ginawa natin ang ating mga batas, bilang pangkalahatang karanasan. Nakita natin na ang pagtawid sa tamang lugar, nakakabawas ng aksidente, kaya ginawa itong batas. Ang batas ang isa sa nagsasabi kung ano ang maaari nating gawin at kung ano ang dapat nating iwasan tulad ng krimen at bawal na gamot.

Sa kabilang banda, sa larangan ng pagpapakabuti, kahit ano pwede mong gawin. Malawak ang posibilidad sa maaaring gawin ng isang nagpapakabuting mamamayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s