May Sasabihin Po Kami sa Iyo, Tatay

Kape't Pandasal

Sa mga tatay pong nanonood, “Happy Father’s Day” po kahapon. Hindi biro ang pagiging tatay. Nakita ko ang malaking responsibilidad na ito sa aking ama. Kailangan po ninyong sustentuhan ang inyong pamilya; tanggapin nang lubusan ang nagbabagong pagkatao ng inyong mga anak; samahan ang pamilya sa pakikipagbuno sa buhay; at higit sa lahat maging isang haliging matatag kapag dumating ang mga unos sa buhay.

Kaya nagtanong po ako sa aking mga kaibigan sa Facebook at Twitter kung ano ang ipinagdadasal nila para sa kanilang mga tatay. Samakatuwid, nais kong malaman ang hindi nasasabi ng inyong mga anak sa inyo.

Marami sa kanila hangad ang inyong mabuting kalusugan. Nag-aalala po sila kapag lumalabis ang inyong pag-iinom o paninigarilyo. At mas masakit sa kanila kapag napapalala pa ito dahil sa iba’t ibang sakit na meron po kayo, tulad ng diabetes, sakit sa puso, at cancer.

Ang iba naman nagsabi na sana makinig din po kayo sa inyong mga anak. Kung meron mang apektado sa inyong ginagawa, ang mga anak ang nakakaranas nito. At sila ang makakasabi ng katotohanan. Ito po ang pinakamithiin ng karamihan sa inyong mga anak. At iisa lang ang dahilan sa labis nilang pag-aalala: kayo po ang inspirasyon at halimbawa nila sa buhay.

Lahat ng ito, ipinagdadasal po nila (at namin) para sa inyo, hindi lang ngayon, kundi, lagi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s