May Ideya Ka, May Ideya Ako, Tapos?

Kape't PandasalNaranasan mo ba ang mga taong ayaw magbahagi ng kanilang ideya o sarili sa anumang meeting, klase, o group study? O kaya mga kaklaseng nagtatago ng notebooks nila, dahil gusto nilang lamangan ang iba sa grades o kaya sa karangalang iginagawad ng eskuwelahan.

Mayroon akong nabasang isang talinhaga:

“May t-shirt ka, may t-shirt ako.

At tayo’t nagpalitan.

Ngayon, may t-shirt ka, may t-shirt ako.

Wala namang nagbago.

May ideya ka, may ideya ako.

At tayo’y nagpalitan.

Ngayon, dalawa na ang ideya mo, at dalawa na rin ang ideya ko.

Mas may nagbago.”

Mahalaga sa ating buhay ang pagbabahagi ng ating mga kuro-kuro ukol sa isang isyu ng sarili, sa trabaho, o sa lipunan. Wika ng maraming pilosopo, walang tao ang may orihinal na kaisipan. Laging may pinangagalingan ang ating mga kaalaman. Kung bukas tayo sa iba’t ibang ideya at ibinabahagi natin ang mga ito, maaaring matagpuan natin ang pinakamagandang solusyon sa ating mga problema. Ipagdasal natin na buksan ng Diyos ang ating puso’t isipan, upang matulungan natin ang bawat isa, hindi lamang sa paguunawa kundi sa paghahangad ng solusyon sa ating mga suliranin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s