Bakit Kailangang Pagnilayan ang Pinakamahalaga sa Iyo?

Kape't PandasalBakit kailangang pagnilayan ang pinakamahalaga sa mahalaga lamang? May kuwento ako. May isang guro na kumuha ng isang malaking botelya ng mayonnaise. Nilagyan niya ito ng malalaking bato. Sabi niya, “Puno na ba ito?” Sagot ng mga estudyante, “Opo, puno na!”

Pagkatapos, nilagyan niya ng maliliit na bato hangga’t napuno ang mga maliliit na espasyo sa gitna ng mga malalaking bato. Tanong niya, “Puno na ba ito?” Sagot sa kanya, “Opo!” Kumuha ang guro ng buhangin at inilagay niya sa loob ng botelya. Tanong niya, “Puno na ba ito?” Sabay tumugon: “Opo!” Pagkatapos, kumuha siya ng tubig at nilagyan niya ang botelyang puno ng mga bato at buhangin hangga’t sumipsip sa buhangin ang tubig.

Tanong ng guro, “Puno na ba?”

Kayo na mga kapamilya ang sumagot. Ang punto ay simple lamang: Hindi mo mapapasok ang malalaking bato kung huli itong ilalagay. Ito ang mga mahahalagang bagay sa atin. At kailangang humindi sa maliliit kapag hindi ito magkasing-halaga sa malalaking bato.

Ano ang malalaking bato sa iyong buhay? Sabi ni San Ignacio, maaari mong tanungin ito: Kung malapit ka nang mamatay, sino sino ang gusto mong nariyan sa iyong tabi? Ipagdasal natin na bigyan natin ng halaga ang mga tunay na mahahalaga sa ating buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s