Ano Ang Gagawin Mo Kung Gulong-gulo Ang Iyong Isip

Kape't PandasalAno ang iyong gagawin upang luminaw ang maraming mga bagay na gumugulo sa iyong isipan? May kuwento ako ukol kay Buddha at ang kanyang alagad. Napadaan daw si Buddha sa isang lawa. At dahil mahaba ang kanilang nilakbay, hapong-hapo ito. Kaya sabi ni Buddha sa kanyang alagad, “Kunan mo ako ng tubig sa lawa. Uhaw na uhaw ako.”

Mabilis na sumunod ang alagad, ngunit pagdating sa lawa nakita niyang may naglalaba, naliligo, at meron pang kalabaw. Kaya, bumalik siya sa Buddha, sabi, “Marumi ang tubig. Hindi pwede inumin.” Pagkatapos ng ilang oras, tinawag uli ni Buddha ang kanyang alagad upang kumuha ng tubig sa lawa.

Pagdating niya sa lawa, wala na ang mga naglalaba, naliligo at ang kalabaw. Malinaw na malinaw ang tubig. Kaya masaya niyang dinala ang malinis na tubig kay Buddha.

Sabi ni Buddha, “ganito din ang ating isipan. Huwag mong aalugin ito kapag gulong-gulo. Hayaan mo hangga’t luminaw ang lahat.”

Ipinapayo ni San Ignacio de Loyola na huwag magdesisyon kapag hindi mapayapa ang puso’t isipan. Ipagdasal natin ang higit na pagpapahalaga sa pananahimik upang, sa paglinaw ng ating isipan, gawin natin ang maka-Diyos at tao.

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

4 thoughts on “Ano Ang Gagawin Mo Kung Gulong-gulo Ang Iyong Isip

  1. Hi Father Jboy,
    This was very timely for me today. I am being bothered by something, and I prayed to God to guide me, and I came across your blog. There are still some stirrings, please pray for me for the “water to settle” and that I be ready the time comes (when I face the person causing this agitation). God bless you. (BTW, I used one of your blog articles as a basis of my students’ homework).

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: