Kuwento: Ang Ilaw ng Isang Maliit na Kandila

Kape't PandasalIpinagdiriwang ngayong araw ang kauna-unahang Cathedral, ang San Juan Laterano na ipinagkaloob ni Emperador Constantino sa Kristiyanismo at nagsilbing sagisag ng pagiging opisyal na relihiyon ng buong kaharian ng Roma. Dahil dito, lumaganap ang pananampalataya sa buong daigdig. Dahil dito, pinagninilayan natin ang sinulat ni San Pablo ukol sa ating katawan bilang Templo ng Espiritu Santo.

Ano ba ang pagtingin natin sa ating katawan o sa sarili? May kuwento ako. Dala ni Mang Tonyo ang isang maliit na kandila. Tanong ng kandila: “Saan mo ako dadalhin?” Sabi ni Mang Tonyo: “Sa itaas: Iilawan natin ang malalaking barko upang hindi sila maligaw.”

“Ba’t ako ang dinadala mo? Tingnan mo naman ang aking katawan. Sa liit kong ito, hindi makikita ng mga mandaragat ang aking ilaw,” sagot ng kandila.

Sabi ni Mang Tonyo, “kung hindi kasing liwanag ang iyong ilaw kumpara sa iba, ipatuloy mo lang ang pagbibigay ng liwanag. Ako na ang bahala sa iyo.” Nang makarating sila sa tuktok, inilagay ang kandila sa isang malaking lampara. At biglang lumiwanag ang buong paligid dahil sa maraming kumikinang na salamin sa likod nito. Sa pinakamalayong dako ng dagat, nakikita ng mga marinero ang liwanag na mula sa maliit na kandila.

Manalangin tayo:

“Panginoon, nawa magsilbing tulad ng lampara ang aming katawan, upang ang liwanag ng Espiritu Santo ay magsilbing gabay sa iba. Amen.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s