Kuwento: Ang Mangingisda at Ang Turista

Kape't PandasalMay kwento ako: Isang araw, naglalakad sa tabing-dagat ang isang napakayaman na turista. Nakita niya ang isang mangingisdang namamahinga sa ilalim ng punong niyog katabi ang kanyang bangka. Anya, “Bakit wala ka sa laot? Hindi ba’t dapat kang nangingisda?”

“Sapat na po ang aking nahuli,” tugon ng mangingisda. “Bakit hindi mo damihan ang iyong hinuhuli?” tanong ng turista.

“Para saan?” sagot ng mangingisda. “Para yumaman ka. Maaari mo itong pagkakakitaan,” sabi ng turista. “Kung yumaman ako, aanhin ko ang yaman?” tugon ng mangingisda. “Para makabili ka ng maraming bangka o malaking barko, para mas lalo kang yumaman,” sabi ng turista. “Kung mayaman na mayaman na ako, para saan ang yaman ko?” tugon ng mangingisda.

“Para sa natitira mong buhay, mapupuntahan mo ang magagandang tanawin at makakapagpahinga ka,” sabi ng turista. Sumagot naman ang mangingisda, “Yan na po ang ginagawa ko.”

Hindi totoong makakapahinga ka lamang kung mayroon kang higit na kayamanan. Tulad ng mangingisda, may mga bagay na sapat na, at kapag kuntento tayo sa sapat, may mga makukuha tayong patingi-tinging panahon sa pagpapahinga.

Manalangin tayo:

“Panginoon, tulad ni Santa Teresa na nagsabing Ikaw ay sapat na sa amin, biyayaan mo nawa kami ng pangangailangan namin sa araw-araw, kasama nito ang panahon ng pagpapahinga. Amen.”

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: