Kuwento: Ang Bulaklak sa Iskinita

Kape't PandasalNakatira si Charisse sa madilim na iskinita sa looban ng Balintawak. Ngunit nanalo siya sa isang paligsahan ng bulaklak. Nang itinanong sa kanya kung paano niya inalagaan ang kanyang mga bulaklak, samantalang madilim ang kanyang tinitirhan, ibinunyag niya ang kanyang sikreto.

Tugon ni Charisse, “Nakakapasok sa iskinita ang isang maliit na sinag ng araw. Pagdampi ng araw, inilalagay ko ang tanim sa daanan nito. Habang gumagalaw ito, sinusundan din ko ang araw habang inuusog ko ang tanim sa daanan nito.”

Sa araw ng Pasko, pinapaalala sa atin na ang pagdating ni Hesus sa ating buhay ay tulad ng sinag ng araw sa madilim na iskinita ng ating buhay. Kailangan nating saluhin at sundan ang pagdating nito upang laging maliwanagan ang buhay.

Samahan niyo po ako sa ating panalangin.

“Panginoon, huwag mo sana kaming pahintulutang manatili sa dilim, kundi kusa naming sinusundan ang Liwanag ni Hesus, upang lalung mamukadkad sa aming buhay ang saya at kapayapaan na aming hinahangad. Amen.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s