Ang Paghihintay sa Meron, Hindi sa Wala

Kape't PandasalMaligayang Pasko po!

Habang nasa linggo tayo ng Kapaskuhan at nalalapit ang katapusan ng taong 2015, higit na mainam na punuin natin ang ating puso ng umaapaw na pasasalamat. Pinagdiriwang sa Pasko ang pagsilang ng Mesias. Ang pagdating ni Hesus ay Siyang katuparan ng pangako ng Diyos sa mga naghintay ng Tagapagligtas.

 

Sa ating buhay, marami na tayong hinihintay. Maaaring ang katuparan ng ating mga pangarap; o ang pagdating ng tutulong sa ating pag-ahon sa kahirapan. May mga naghihintay sa resulta ng iba’t ibang exam o work applications. Naghihintay tayo ng taong makakasama natin sa buo nating buhay. Maari itong isang kabiyak, isang kaibigan, o isang anak.

 

Sa ating sari’t saring paghihintay, marami na rin ang natupad na o natutupad pa lamang, tulad ng pagsilang ng isang anak, isang bagong kaibigan, isang paglalalim ng pagkakaibigan, o isang bagong trabaho. Maaring dumating na ang isang galing ibang-bansa at buo na naman ang pamilya sa mga araw na ito.

Christmas is a season of surprises. Kaya ipagdiwang natin ngayon ang mga sorpresa sa ating mga buhay.

Manalangin tayo: “Panginoon, nawa’y buksan mo ang aming puso upang makita ang kakaiba mong galaw sa aming buhay. Nawa’y hindi mawala ang paghanga namin sa Iyo lalo na sa kung anumang biyayang hindi namin inaasahan. Amen.”

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s