Ang Ating Alaala ang Luklukan ng Diyos

Kape't PandasalBakit importanteng alalahanin ang nakaraan? Sabi ni San Agustin, ang ating alaala ang luklukan ng Diyos sa ating pagkatao. Nakikita natin ang galaw ng Diyos sa ating pagbabalik-tanaw. Nasusulyapan natin ang direksyon ng ating buhay kung marunong tayong magnilay sa iba’t ibang pangyayari sa ating nakaraan. Sa ating kabiguan, natututo tayo ng dapat nating gawin. Sa ating tagumpay, natututo tayo kung ano ang kailang panatilihin at palaguin. Ito ang halaga ng kasaysayan. Sana hindi na mauulit ang lahat ng ating pagkakamali bilang isang bayan.

Ito ang kailangan natin sa pagdiriwang ng EDSA Revolution sa darating na araw. Sa pamamagitan ng panalangin at pagkakaisa, napabago natin ang ating bayan at nakalaya tayo mula sa mapang-aping diktatoria. Ayaw na ating ulitin ang mga taong kinulong, pinatay, at naglaho ng walang bakas. Ayaw na nating mabuhay sa takot. Ayaw natin ng huwad na kapayapaan na galing sa dahas.

Ngayon, iba na ang mga nagdidikta sa ating lipunan tulad ng garapal na pangungurakot, di lamang sa gobyerno at sa pribadong sektor. Kasama na rin dito ang pagsasawalang-kibo sa kahirapan ng ating mga kababayan.

Kailangang tingnan na ang mga rebolusyong pambayan ay isang simula lamang sa mahabang proseso ng pagbabago na kailangan.

Manalangin tayo:

Panginoon, turuan mo kaming matuto sa nakaraang mga pangyayari upang higit naming harapin ang hamon ng pagbabago sa aming bayan. Amen!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s