Sa Jubileo ng Habag at Malasakit, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng habag o mercy? Sa lumang tipan, dawalang salita ang ginagamit para sa habag. Ang una ay hesed. Pinapahiwatig ng hesed ang katapatan ng Diyos sa atin. Sa kabila ng ating pagiging suwail sa kanya, patuloy niya tayong pinapatawad at minamahal.
Pangalawa ang rahamim: ibig sabihin ang pagmamahal ng Diyos ay tulad ng isang magulang sa kaniyang anak. Wika niya, “Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya? Ngunit kahit na malimutan ng ina ang anak niyang tangan, hindi kita malilimutan.” At dahil dito, ang pagmamahal ng isang taong may habag o mercy sa kapwa ay kusang ibibigay, ipinapakita at pinaparamdam.
Binibigyan natin ng puwang ang ibang tao sa ating buhay kaya natural ang pagpapakita ng malasakit at pakikiramay sa lahat ng mga naghihikahos.
Manalangin tayo:
O Dios na makapangyarihan, akayin mo kami sa landas ng kabanalan upang makarating sa kaligayahang makalangit. Lingapin mo ang aming pamumuhay sa tulong ng Mabuting Pastol na si Hesus at hatian kami ng kanyang tagumpay. Amen.