Ang nagbibigay-katangian sa ating sambahayan ay ang karanasan ng pinatawad at binigyan ng bagong buhay. Ang awa ng Diyos sa ating mga makasalanan ang siyang pinagmumulan ng ating buhay. Sa labas man ng ating bahay-dalanginan, sa pang-araw-araw na pamumuhay ay nararapat na nabubuhay tayo’t isinasabuhay ang awa ng Diyos sa pasasalamat at kababaan ng loob.
Sa taong ito ng Jubileo, hinihikayat na magpakita na habag na kasing tulad ni Kristong may malasakit sa atin. Ano ang maaari nating gawin? Maaari nating sundin ang 7 Corporal Works of Mercy na matatagpuan kay sa San Mateo: pakainin at painumin ang nagugutom, bigyan ng tirahan ang walang matuluyan, damitan ang walang maisuot, bisitahin ang maysakit at bilanggo, makiramay sa namatayan. Maari mo pang dagdagan ang mga halimbawang ito.
Mga kapamilya, sa ating paggawa ng mabuti sa kapwa, pinaparamdam natin ang habag ng Diyos. Manalangin tayo:
O Dios, pinag-isa mo ng isip at damdamin ang mga tapat sa Iyo. Nawa’y ibigin ng iyong bayan ang pinag-utos mo at nasain ang iyong pangako, upang sa iba’t ibang gawain sa buhay na ito ay laging hanapin ang tunay na kaligayahan. Alang-alang kay Kristo at ng Espiritu Santo. Amen.