Happy Easter po! Maligayang Paskuwa ng Pagkabuhay!
Naranasan mo na ba ang kaligtasan sa iba’t ibang pagkakataon? Nakakuha ka ng mataas na marka, matapos dumanak ang pawis sa pag-aaral; O nagkaroon ka ng trabaho, pagkatapos ang mahabang paghihintay; O nakaahon ka sa kahirapan; O gumaling ka sa malubhang sakit. Sa lahat ng ating karanasan ng ating mumunting “muling pagkabuhay” (or our little Easters), nagkakaroon tayo ng panibagong-buhay at pag-asa. Ito ang mensahe ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.
Sa kabila ng ating kasalanan, nahabag ang Diyos sa atin, kaya pinagkaloob Niya ang pagkakataong harapin ng mapayapa ang bukas.
Sa araw na ito, punuin natin ang ating sarili ng positibong diwa at saya dahil ang Diyos ay laging kasama natin, buhay na buhay.
Kaya nararanasan natin ang kanyang presensya sa ating pang-araw-araw na buhay, sa ating mga ugnayan, sa kagandahan ng ating paligid, at kung tayo ay laging “inspired” – dito at sa iba ang bagay nagpaparamdam ang Diyos sa atin.
Manalangin tayo:
O Dios, binuksan mo sa araw na ito ang mga pintuan ng buhay na walang hanggan sa pagtatagumpay ng iyong Anak sa kamatayan. Loobin mong magbagong buhay kami sa tulong ng Espiritu Santo at sa bisa ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, alang-alang sa Anak mo, si Jesukristong Panginoon namin, Amen.