Huwag Maniwalang Wala Kang Kakayahan

Kape't PandasalMayroon ka bang pangarap para sa iyong sarili, ngunit nagdududa ka kung maaabot mo o makakayang isakatuparan ito? O mas mainam kung ang pangarap mo ay maging inspirasyon sa iba.

Maraming mga atleta o kaya’y mga artista sa iba’t ibang larangan ng sining ang dumating sa punto ng buhay kung saan pinanghihinaan sila ng loob. Kadalasan nangagaling ang panghihina ng loob sa mga sinasabi ng iba’t ibang tao sa kanila.

Ngunit ang Easter o muling pagkabuhay ni Kristo ang nagtuturo na huwag magpapatalo sa anumang balakid, dahil ano man ang hirap mo, aabot din iyan sa kaluwalhatian.

Huwag kakalimutan ito: Hindi dapat tayo maniniwala sa mga taong nagsasabi sa atin na wala tayong kakayahan; that we do not have talent. Lahat tayo may kakayahang gagamitin ng Dios upang abutin ang ating pangarap.

Huwag sana tayong patatalo bago pa man ang laban ng buhay. Dahil minsan, umaatras tayo kung kelan isang hakbang na lamang ang kakailanganin upang magtagumpay.

Manalangin tayo:

“O Dios, binabahaginan mo ang iyong bayan ng mga bunga ng katubusang ginawa ng iyong anak. Nawa’y kupkupin mong lagi ang mga iniligtas mo. Tulungan mo kaming makaiwas sa kasalanan upang ang aming buhay ay maging palaging handog sa iyo. Magalak sana kami sa muling pagkabuhay ni Kristo. Amen.”

Published by Jboy Gonzales SJ

TV/Digital host: Kape't Pandasal. Vlog: YT On the Line. Environment, Youth Formation. Music. Leadership. Always dancing to a different drum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: