Kasama sa panibagong hangad sa Jubileo ng Habag at Malasakit ang pagbabalik-loob sa tamang ugnayan natin sa kalikasan. Sa unang libro ng biblia, sinabi ng Diyos sa Genesis na ang tungkulin ng tao ay alagaan ang kalikasan. Kaya kasama sa pagbabagong isip at ugali nating mga Kristiyano ang pagpapahalaga sa ating mundo bilang bahay ng sansinukob.
Paano ba nating mamahalin ang kalikasan? Nagsisimula ang pag-ibig sa karanasan ng kagandahan.
Naakit ka sa kanya unang-una, bago tuluyan mo siyang niligawan. Ganito rin ang ukol sa kalikasan: kailangan muna nating ma-in-love sa kapaligiran, at sa gayon, bubusilak sa ating puso ang lakas upang ipaglaban ang sinumang sumisira nito. Sa panahon ng tag-init, maaari nating dalawin ang mga magagandang tanawin ng ating bayan.
Kung madiskubre natin ang mga likha ng Panginoon na ubod ng ganda, mas madali nating mahalin ang kalikasan. Ang kagandahan ng mga likha ng Diyos ay sumasalamin sa naglikha nito.
Manalangin tayo:
“O Ama, magalak sanang lagi ang iyong bayang taglay ang panibagong isip at damdamin. Yayamang inampon mo kami at kinupkop, loobin mong matamo namin ang buhay na walang hanggan. Alang- alang sa Anak mo, si Jesucristong Panginoon namin, nabubuhay at naghahari magpasawalang-hanggan. Amen.”