Si Albert at ang Kanyang Larong-Bidyo

Kape't PandasalAdik na adik na si Albert sa mga laro sa kompyuter. Hindi na siya nasasabihan ng kanyang mga pamilya na lumayo pansamantala sa mga video games na ito. Isang video game ang gustong-gusto ni Albert. Ito ang pangongolekta ng mga pagong sa bawat nibel ng larong pang-bidyo. Sa isang laro, siya ang naging pinakahusay sa buong mundo sa larong ito.

Isang araw, nabasag ang screen ng kanyang computer. Nagsilabasan ang libo-libong mga pagong.

Hanggang sa napuno ng pagong ang kanyang kuwarto. Hindi siya makapaniwala sa pangyayari. Nang tinawag niya ang kanyang mga magulang, naisip ng magulang na gawing responsibilidad niya ang pag-aalaga ng bawat pagong sa kanyang kuwarto. Kaya nagsimulang pakainin at alagaan ni Albert ang mga ito.

Hindi nagtagal, nawala ang aliw ni Albert sa kanyang kompyuter. Mas masaya siyang nakikipaglaro sa kanyang mga alagang mga pagong. Meron na nga siyang mga pangalan sa bawat isa.

Mga kapamilya, mas mainam na mag-enjoy tayo sa tunay na buhay at pangalagaan natin ang ating kalikasan.

Manalangin tayo.

O Panginoon, pangalagaan ang aming tunay na buhay. Tanggapin mo ang buhay naming handog, bilang tanda ng aming pag-ibig at pasasalamat alang alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s