Ang Manika ni Lola

Kape't PandasalPagpapahalaga o Values: Respeto at Pagaalaga sa Kagamitan

***

Matagal akong naassign sa Payatas. Gabundok doon ang basura. Iba’t ibang bagay ang nakatapon doon. May mga bagay na kung inalagaan nang maayos, maaari pa sanang gamitin ng iba. Tulad ng manika ni Anna na binigay ng kanyang lola.

Bumalik si Aling Nena sa kaniyang pinanggalingang lalawigan sa Camalig, Albay.

Matagal na siyang umalis doon nagmulang nakapangasawa siyang taga-Maynila. Natuwa pa rin siya dahil bagaman lumang-luma na ang bahay ng kaniyang mga magulang, naroroon pa rin ang kanilang mga kagamitang alaala ng kaniyang pinagmulan.

Binuksan niya ang kanyang dating aparador, at nakita niya ang manikang bigay ng kanyang magulang sa kanyang kaarawan. Iningatan niya ito at inalagaan.

Pag-uwi niya ng Maynila, ibinigay niya ito sa kanyang apo. Habang pinaglalaruan ng apo ang manika, dumaloy na parang batis ang mga alaala ng labis na pagmamahal ng kanyang mga magulang sa kanya. Hindi niya ipagpapalit ang mga alaalang iyon. Mga kapamilya, alagaan nawa natin ang ating mga gamit, kasama ang mga alaala ng ating mga nakaraan. Bawasan ang basura at alagaan ang kalikasan.

Manalangin tayo.

O Dios, ang pinagmulan ng lahat ng lakas at kabanalan, patnubayan mo kaming gamitin ang mga makalangit upang makamtan ang ligayang walang hanggan. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s