Isang maliit na ulap si Helen Ulap. Para lamang siyang isang bulak kung titingala ka sa langit. Ngunit masaya si Helen, dahil siya lamang ang ulap sa bayan na iyon. Hanggang dumating ang araw na may nakasama siyang isang malaking ulap na sumakop sa halos lahat ng kanyang bayan. Hindi nagtagal binuhos ng bagong ulap ang kanyang sarili bilang malakas na ulan, at pinuri ito ng mga magsasakang nagdiwang! Na-inggit si Helen.
Sa kanyang inggit, pinuno niya ang kanyang sarili ng tubig. At hindi siya nagpaulan ng ilang araw. Lumipas ang panahon. Naging isang disyerto ang kanyang bayan. Sa tagtuyot, maraming namatay na hayop at tanim. Maraming apektadong mga magsasaka.
Ngunit dahil sa sobrang init, naging manipis na rin si Helen Ulap, hanggang naging parang bulak na lamang siya sa langit. Labis ang kaniyang pagsisisi. Magiging sanhi ng kanyang kamatayan ang kanyang inggit.
Isang araw, dinala siya ng hangin sa mga isla at lumago uli si Helen Ulap. Nagpaulan siya ng mas marami kaysa sa kanyang makakaya, at dahil dito, natuklasan niya ang kasiyahang pumawi sa kanyang inggit: ang labis na pagbibigay.
Manalangin tayo: O Dios, magiliw mong ipagkaloob sa amin ang pusong mapagbigay upang makasamba kami nang nararapat sa iyong dakilang pag-ibig. Amen.