On Faithlife: Mahalaga Pa Ba Ang Pananampalataya? Si Aaron at ang Rabbi

 

Isang araw, lumapit si Aaron sa kanyang rabbi, “Rabbi, sabi ng aking mga kaibigan na wala na daw kuwenta ang relihiyon. Marami naman itong itinuturo pero wala namang epekto lalung lalo na sa mahihirap. Tama po ba?” Pinag-isipan ng Rabbi ang kanyang sasabihin, hanggang naisip niyang samahan si Aaron sa labas ng sinagoga. Nakita nila ang isang kumpol ng mga batang naglalaro sa lansangan. Tanong ng Rabbi, “Mahalaga pa ba sa kanila ang sabon? Pagkatapos maligo, maglalaro sila at pagpapawisan.”

 

Sabi ni Aaron, “Mahalaga pa rin po ang sabon. Nakatulong ang sabon upang malinis ang kanilang katawan at maproteksyonan sila sa anumang sakit na nagmumula sa dumi.” “Gayon din ang relihiyon, Aaron,” wika ng Rabbi, “Ang halaga ng relihiyon makikita sa pagsasabuhay ng itinuturo nito.”

 

Hindi bago sa ating buhay ngayon ang marinig sa maraming mga tao na hindi na raw importante ang relihiyon lalo na sa impluwensiya ng komersyalismo, internet at iskandalo. Ngunit tinuturo ni Pope Francis na makikita ang halaga ng pananampalataya sa pagpapakita ng awa at malasakit. Manalangin tayo.

O Dios, lingapin mo kaming lagi, tanggapin mo sana ang alay naming buhay, upang sa pamamagitan ng mga ito, mabuksan sa amin ang bukal ng lahat ng mga biyaya. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s