Advent’s Waiting: Ang Paghihintay sa Meron

Naranasan niyo na bang maghintay sa wala? E, maghintay sa meron?

Mahalaga sa ating buhay ang maghintay. May mga naghihintay ng trabaho o may naghihintay ng boyfriend o girlfriend. Ikaw, ano ang hinihintay mo? Sa panahon ng cellphones, mas madaling tantiyahin kung anong oras darating ang ating hinihintay. Mate-text lang tayo, “Wer U?” malalaman na natin kung may oras pang gawin ang ibang bagay para hindi nasasayang ang ating oras. Dahil dito, nawawalan na tayo ng pasensya kapag naghihintay tayo ng matagal.

Ngunit may halaga ang paghihintay sa buhay. Hindi lahat ng bagay maaaring madaliin. Kapag minadali ang pagsasaing, hilaw na kanin ang maihahain.

Kahit maraming pagkaing instant, pinipilahan pa rin ang mga lutong bahay na inihanda sa tamang oras. At kung nalalanghap mo na ang niluluto, nagiging “excited” tayo sa kainan. Ganito din ang paghihintay: Lalong inaasam-asam ng ating puso ang sinuman o anumang hinihintay.

Subalit, hindi tayo naghihintay sa wala. Naghihintay tayo sa siguradong darating; dahil tinutupad ng Diyos ang Kanyang Salita.

Alam natin na may kaligtasan dahil darating sa ating buhay ang Tagapagligtas. Kung nakikipila tayo sa sineng gusto nating panoorin; kung binibilang natin ang mga araw tungo sa pagdating ng ating mahal sa buhay; bakit hindi natin bigyan ng panahon ang ating sariling maghanda sa pagdating ng Panginoon?

Manalangin tayo: Amang minamahal, nawa’y paghandaan namin ang Iyong pagdating sa aming buhay ngayon at magpakailanman. Amen.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s