Naniniwala ka pa ba sa Pag-ibig?

Sabi ng isang estudyante, “Ang hirap magmahal. Maraming sagabal.”

Totoong maraming balakid sa tunay na pagmamahal. Kakabit nito ang iba’t ibang mga personal na isyus: mga sugat na hindi pa humihilom, mga nakaraang pilit na kinakalimutan, mga bagay na pinag-aawayan, o pag-uugaling hindi kaaya-aya.

 

Sa kabila ng maraming takot, marami pa rin ang naniniwala sa pag-ibig.

Hindi ba tayo nagtataka kung bakit gamit-na-gamit natin ang social networks tulad ng Facebook, Twitter o Instagram? Gusto natin laging updated sa ating mga kaibigan. At dahil matindi ang pangangailangan sa isang tunay na ugnayan, mas maraming tao ang maglalaan ng panahon at pawis upang matupad ito.

Kapag nahihirapan ka sa pagmamahal, isang mas matinding pang pagmamahal ang dapat ibibigay, wika ni Cardinal Tagle.

Mahalin nang mahalin hangang ang puso sa iyo maibaling.

Pagdasal natin na hindi maglalaho kailanman, ang pag-asa sa isang matibay at malalim na ugnayan.

Manalangin tayo:

“Alagaan at ipagkaloob mo sana, O Ama, na umasa kaming lagi sa iyong tulong nang madama ang paglingap mo sa tuwina. Amen.”

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s