Ang sikreto sa magpakailanman

Isa sa mga nakakaantig na kuwentong pag-ibig ni Tony at Rhea.

Magkaklase sila sa kolehiyo. Matagal nang may gusto si Tony kay Rhea, ngunit hindi daw niya maabot ang nibel ni Rhea: crush ng bayan at mayaman. Nang nagkaroon ng lakas ng loob na ligawan ni Tony si Rhea, nagsimula silang magdate sa mamahaling kainan.

Habang tumatagal, nadiskubre ni Tony na simple lang ang kanyang sinisinta. Nang maging sila, nauwi ang kanilang date sa pagsisimba sa Pink Sisters at pag-aalmusal ng pandesal at de lata sa People’s Park sa Tagaytay tuwing linggo.

Nang magpropose si Tony, inilagay niya ang singsing sa pandesal, at sabi niya kay Rhea, “Habangbuhay kong nanaising kasalo ka sa lahat ng aking almusal at pagdarasal.”

Siyempre, umoo si Rhea.

Mayroong tinuturo si San Ignacio de Loyola ukol sa pag-ibig. Ayon sa kanya:

“Mas kailangang ipakita ang ating pagmamahal sa gawa, hindi lamang sa salita.”

Hindi ang mamahalin ang hinihingi ng minamahal, kundi ang pagmamahalang tunay.

Manalangin tayo: O Dios, loobin mong kami ay maging tulad Mong may pusong matuwid at tapat, upang maipakita rin namin ito sa iba. Amen.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s